Skip survey header
Tagalog

Petisyon para magtatag ang SFMTA ng Residensyal na Permit sa Pagparada ng Sasakyan sa Excelsior

Petisyon para sa Excelsior

Ang programang Residential Permit Parking (RPP, Residensyal na Permit sa Pagparada ng Sasakyan) ay itinatag noong 1976 upang mabawasan ang trapiko ng mga nagko-commute sa mga residensyal na kapitbahayan. Nilalayon ang programa upang gawing mas madali para sa mga residente na makahanap ng pagpaparadahan sa kalye na malapit sa kanilang mga tahanan. Naglalapat ang programa ng mga limitasyon sa oras sa pagparadang sasakyan sa kalye, na kadalasang dalawang oras; ang mga residenteng may balidong permit ay may eksemsyon sa mga limitasyon sa oras na ito. Gayunpaman, ang permit ay hindi naggagarantiya ng espasyong pagpaparadahan. 
 
Ang kahilingang palawigin ang kasalukuyang Area “V” RPP sa iba’t ibang block sa Excelsior, ay sinimulan ng mga residente sa lugar. Kaya nagsasagawa ang SFMTA ng isang online na petisyon para sa mga residente tungkol sa iminumungkahing RPP block. 
 
Ang mga petisyon ng pagsuporta ay kailangang matanggap mula sa minimum na 50% ng mga residensyal na yunit sa bawat iminumungkahing block (inilalarawan bilang magkabilang panig ng kalye, sa pagitan ng dalawang magkakrus na kalye) upang masimulan ang pagbabago.  

* Kung ikaw ay naninirahan sa mga lugar na may pang-metrong paradahan, ang mga metrong ito ay hindi papalitan ng Residential Permit Parking.  Maaari pa ring maisama sa programa ang inyong tirahan, kayo ay papahintulutang kumuha ng permit at pumarada sa mga kalapit na lugar na may Residential Permit Parking.
 
Ang petisyong ito ay nagbibigay-daan para maipahayag ng mga residente ang kanilang pagsuporta o pagtutol sa residensyal na permit sa pagparada ng sasakyan para sa kanilang block. Sa pamamagitan ng iyong suporta para sa residensyal na permit sa pagparada sa petisyong ito, iyong pinapahintulutan ang SFMTA Streets Parking group na magsagawa ng mga kinakailangang survey, magdaos ng mga pampublikong pagdinig, at irekomenda sa Lupon ng mga Direktor ng SFMTA na ang lugar na ito ay maitalaga bilang lugar para sa residensyal na permit sa pagparada ng sasakyan. Nauunawaan mo na kung ang iminumungkahing lugar ay itinalaga bilang lugar na may permit, ipapatupad ang mga sumusunod: 

  • Nakapaskil  na limitasyon sa oras ng pagparada sa mga itinalagang araw at oras 

  • Eksemsyon mula sa mga nakapaskil na limitasyon sa oras na ito para sa mga residente, may-ari ng negosyo, at iba pa na ang mga sasakyan ay may balidong permit 

  • Ang permit ay nagkakahalaga ng $215 taon-taon, at napapailalim sa pagbabago kada taon batay sa gastos sa pagpapatakbo ng programa 

  • Para sa mga residente, pinahihintulutang bumili ng hanggang 4 na permit kada sambahayan 

  • Para sa mga may-ari ng negosyo, pinahihintulutang bumili ng 1 permit kada personal na sasakyan, at hanggang 3 permit para sa mga sasakyang nagde-deliver na may komersyal na plaka ng sasakyan. 

  • Ang mga hindi De-kuryenteng Sasakyan na may Gross Vehicle Weight Rating (GVWR, Kabuuang Antas ng Timbang ng Sasakyan) na 6,000 lbs. o higit pa, at mga De-kuryenteng Sasakyan na may GVWR na 8,000 lbs o higit pa, ay hindi karapat-dapat para sa permit 

Higit pang detalyadong impormasyon tungkol sa programa, kabilang ang presyo ng permit at mga kinakailangan sa pagiging karapat-dapat, ang maaaring matagpuan sa: sfmta.com/RPP 
 
Mangyaring i-click ang NEXT > (SUSUNOD) sa ibaba upang magpatuloy sa petisyon. 
 

Pagsisiwalat: Upang maberipika ang petisyon, kinakailangang ibigay ang address ng tirahan at email para sa sinumang lalagda sa petisyon. Mangyaring tandaan na ang impormasyong ibibigay mo sa Lungsod at County ng San Francisco ay maaaring magamit, maipamahagi, at mapanatili sa tuwing kailangan sa pagsasagawa ng opisyal na gawain at ilang impormasyon ng Lungsod, tulad ng mga pangalan ng mga tao na lumagda ng petisyon, ay maaaring mapailalim sa pagsisiwalat nang alinsunod sa California Public Records Act at San Francisco Sunshine Ordinance.