Skip survey header

Sarbey sa Pagtatasa ng mga Pangangailangan ng mga Taong may Kapansanan 2026

Pag-unawa sa Pangangailangan ng mga Taong may Kapansanan sa Long Beach

Salamat sa inyong interes sa Survey para sa Komisyon sa Pagpapayo sa mga Kapansanan ng mga Mamamayan (Citizens’ Advisory Commission on Disabilities, CACoD) ng Lungsod ng Long Beach. Sa pakikipagtulungan sa Kagawaran ng Heograpiya (Department of Geography) ng Pamantasan ng Estado ng California, Long Beach (California State University, Long Beach, CSULB), ginawa namin ang survey na ito upang maunawaan nang mas mabuti ang mga karanasan at pangangailangan ng mga taong may kapansanan sa ating lungsod. Binubuo ang survey ng (31 mga tanong) at nakatuon ito sa mga usapin ng mobility o kakayahang kumilos, pagbabago ng klima, at ingklusibong access sa pamumuhay sa komunidad. Puwede ninyong ipaliwanag ang inyong mga sagot kung nais ninyong magbigay ng higit pang detalye tungkol sa paksa. Pagbabatayan ang inyong mga sagot sa paggawa ng mga pagbabago sa patakaran, programa, at proseso upang matiyak na magkakaroon ng mga patas na pagkakataon at magtatagumpay sa komunidad ang lahat ng nasa Long Beach.

Naakahalaga ng inyong privacy. Ang lahat ng impormasyong ibabahagi ninyo sa survey na ito ay mananatiling kumpidensiyal, at walang personal na impormasyon, gaya ng pangalan o iba pang detalye, ang isasama sa mga resulta.

Maaaring magdulot ng matitinding damdamin ang ilang tanong. Kung gusto ninyong laktawan ang anumang tanong, malaya kayong gawin ito. Pahahalagahan namin ang inyong mga sagot at hinihikayat namin kayong sumagot ng maraming tanong hangga't kumportable kayong gawin ito, dahil makatutulong ito sa amin na maunawaan nang mas mabuti ang mga karanasan ng mga taong may kapansanan sa Long Beach at humanap ng mga paraan upang mapabuti pa ang suporta at mga serbisyo.

Puwede rin ninyong balikan ang survey na ito sa ibang pagkakataon upang ituloy kahit kailan sa pamamagitan ng pag-click sa tab sa kanang seksiyon sa ibaba ng pahina.

Kung kailangan ninyo ng tulong sa pagsagot sa survey o kung mayroon kayong anumang tanong tungkol sa proyekto ng pananaliksik, makipag-ugnayan kay Jennifer Kumiyama, Tagapangasiwa ng Kapansanan sa Buong Lungsod, sa ADA@longbeach.gov or 562-570-6257.

Aabutin ang survey nang humigit-kumulang 15 minuto upang matapos, depende sa kung gaano kadetalyado ang inyong mga sagot.

Sa duulo ng survey, mayroong mga link papunta sa mga mapagkukunan ng tulong sa lungsod at komunidad, kabilang na rito ang suporta sa bahay, tulong sa tahanan, tulong sa pagkain, transportasyon, at iba pa.

Upang magpatuloy, pakikumpirma na kinikilala ninyo ang inyong sarili bilang taong may kapansanan at pinapayagan ninyo ang Komisyon sa Pagpapayo sa mga Kapansanan ng mga Mamamayan na gamitin ang impormasyong makokolekta mula sa survey na ito. Pumili mula sa mga sumusunod na sagot. 


 
1.

Pakikumpirma na ikaw ay isang taong may kapansanan at pakisabi sa amin kung paano mo kinukumpleto ang survey na ito.

*This question is required.
2. Pinapayagan ko ang Komisyon sa Pagpapayo sa mga Kapansanan ng mga Mamamayan na gamitin ang impormasyong makokolekta mula sa mga sagot sa survey na ito. Pumili mula sa mga sumusunod na sagot sa ibaba. *This question is required.