San Francisco Department of Disability and Aging Services
Survey ng Pagsusuri sa mga Pangangailangan ng Komunidad
(Community Needs Assessment Survey)
Ano ang kailangan ng matatanda at mga nasa hustong gulang na may mga kapansanan na naninirahan sa San Francisco?
Nais naming makarinig mula sa inyo!
Ang San Francisco Department of Disability and Aging Services (SF DAS) ay nagsasagawa ng Survey ng Pagsusuri sa mga Pangangailangan ng Komunidad sa buong lungsod upang maunawaan ang mga lakas, oportunidad, hamon, at puwang sa mga kasalukuyang serbisyo para sa matatanda at mga nasa hustong gulang na may mga kapansanan.
Noong 2016, ipinasa ng mga botante ng San Francisco ang Proposisyon I upang itatag ang Dignity Fund upang masiguro ang pagpopondo para sa mga serbisyong sumusuporta sa matatanda at mga nasa hustong gulang na may mga kapansanan sa susunod na 10 taon. Nililikom ng survey na ito ang saloobin ng komunidad upang ipaalam ang mga desisyon sa hinaharap tungkol sa mga priyoridad sa pagpopondo at mga investment sa programa upang suportahan ang matatanda at mga nasa hustong gulang na may mga kapansanan. Salamat sa iyong panahon at saloobin!
Mangyaring tandaan na ang survey na ito ay ganap na boluntaryo at ang lahat ng impormasyong ibibigay mo ay mananatiling kumpidensyal. Wala sa sasabihin mo sa survey na ito ang makakaapekto sa pag-access mo sa mga serbisyo.
Kung ikaw ay isang konsumidor o tagapagkaloob ng serbisyo at nangangailangan ng mga karagdagang papel na kopya ng survey na ito, mangyaring makipag-ugnayan kay Melissa McGee sa 415-355-6782 o melissa.mcgee@sfgov.org.
Mangyaring kumpletuhin ang survey na ito bago lumampas ng Biyernes, ika-17 ng Disyembre:
tinyurl.com/2021DAS
Makukuha ang survey sa mga sumusunod na wika:
Ingles, Arabe, Chinese, Japanese, Koreano, Ruso, Espanyol,
Tagalog, at Vietnamese