Skip survey header

Golden Gate Park Access & Safety Program survey - Tagalog

Programa sa Akses at Kaligtasan ng Golden Gate Park: mga panukala sa proyekto

Batay sa mga komento mula sa komunidad, ang SFMTA at ang SF Recreation and Park Department (RPD) ay nagpapanukala ng mga update sa kasalukuyang car-free na ruta ng  Golden Gate Park upang pigilan ang paglusot ng trapiko, paigtingin ang kaligtasan sa trapiko, pahusayin ang karanasan sa parke, at dagdagan ang akses sa parke. Anong kombinasyon ng mga panukalang proyekto ang sa palagay ninyo ay pinaka-makakatugon sa mga pangangailangan ng maraming tao na bumibisita sa Golden Gate Park?
ALIN SA MGA NATURANG PAGPAPABUTI ANG KANAIS-NAIS PARA SA INYO?
1. MGA SAKAYAN SA FULTON STREET:
Lumikha ng mga lugar na sakayan at ng 14-16 na bagong blue zone na paradahan sa Fulton Street, palawakin ang bangketa at mag-upgrade ng mga daanan papunta sa parke.
3. PAGBABAGONG-TATAG NG PARK SHUTTLE:
Magpatakbo ng mga park shuttle nang mas madalas, nang mas maaasahan, at magsisilbi sa mga pangunahing destinasyon sa parke. Mas malinaw na mga karatula at mga pagpapabuti sa hintuan ng shuttle.
5. PAGPAPABUTI SA MGA GARAHENG PARADAHAN
Pinabuting mga karatula sa loob at labas ng parke upang mas maigi na i-direkta ang mga nagmamaneho papunta sa garahe. Isulong ang 15-minuto na libreng akses sa garahe para sa mga pagkuha at pagbaba ng pasahero.
7. HINTAYAN NG TAXI SA PARKE
Dalawang bagong hintayan ng taxi sa Music Concourse: isa sa DeYoung Museum at isa sa CA Academy of Sciences.
9. BIKESHARE SA PARKE
Maglagay ng hanggang sa 10 na bagong mga bikeshare docking station sa parke at hindi bababa sa 132 na bagong mga bike rack. Payagan ang naka-dock at walang dock na bikeshare sa parke.
11. MGA SCOOTER SA PARKE:
Payagan ang pagpapatakbo ng scootershare sa parke. Ang ipinapanukala na 132 na mga bike racks ay makatutulong na gumawa  ng maraming espasyo upang ligtas at legal na magparada ng mga scooter.